(yung picture na toh ang magpapatunay ..san ko nakita ito?Ahmm..hiniram ko kay Google)
Aaminin ko,Isa ako dati(nung 4th yr. HS)sa humusga sa kursong ito.English time yun ng sagutan ko ang application form ko para sa USTET.Since pangarap ko talaga ang makapasok sa school na ito at gusto ko talaga ang BIOLOGY(first choice) dito ako nag focus bale, yung 2nd choice hindi naman sa nag mini mini my ni mo ako,kahit papaano ay nag isip ako (weh?)hehe..una ko nga naiisip ang Nutrition and Dietetics pero..ngeh!!! may diet na word baka patalsikin ako dito since na matakaw ako at yun! nakita ko si FOOD TECHNOLOGY!!! na inakala kong mag-luluto.So yun,Kumuha ako ng entrance exam sa UST,nakita ko result,wala pangalan ko sa college of science(BS BIOLOGY),punta naman ako sa college of education(BS FOOD TECH),andun name ko.Matapos ang enroll-an ,paghahantay at paglagas ng pera...PASUKAN NA!!!
KEEP CALM?!sobra po yung kabog ng dibdib ko wala akong highschool friend na kasama but yeah..life must go on!
Sa pagdaan ng araw,nalaman ko ang hirap pala,akala ko dahil na ho-homesick lang ako(naka-condo kasi ako dati before pre-lims)Eh nag-uwian na din ako ,wala pa rin.Sa totoo lang kalagitnaan pa lang ng 1st sem ay tinaas ko na ang puting flag:I GIVE UP!!!X(( iyak ako ng iyak noon tinatanong ko sa sarili ko anong connect ng Algebra sa pagkain?ang pagsagot ng walang kamatayan na X,at ang paghahanap ng valence shell at iba pa.Ang totoo nyan hindi lang basta-basta ang food tech,(Ano akala nyo?)Patunay dyan ang eyebags ko at namumutla kong skin.BTW yung una kong pinakita picture?wala pa kami dyan eto kami ngayon oh...
Oo,may kasama pang luha yan,ikaw ba naman umitindi lahat ng cycle ang meron sa Bio?kaya PLEASE LANG,wag ninyo isipin na ganun-ganun lang ,kasi hindi--hindi madaling mag-aral kailangan ng tsaga.Eto yung first time ko na gumising ng 2 am para lang mag-aral ng bio hehehe..pero natulog ako ulit ng 3 am. Sabi kasi ng Prof ko wag pilitin pag ayaw,produkto din siguro ng procastination kaya nangyayari ang mga ito.Minsan sabi ng prof ko ,kukunin namin lahat daw ng klase ng chem.shocks!ano ba talaga ?tama ba ang desisyon ko?,yan ang nasa isip ko .Kadalasan,nagsisi ako kung bakit hindi ko sinunod ang payo ng magulang ko pero wala na.Tama na ang sisihan andito na ako ,ituloy na lang natin ito.
(galing ulit kay google)
Tapos na ang first sem.masasabi kong NAG SURVIVE AKO!!!Kapag may pagkakataon na mag-isa lang ako pinipilit kong intindihin---ang sitwasyon.Bilang isang estudyante na hindi naman mayaman eh dapat maging PRAKTIKAL,sayang naman ang perang pinangbayad ng magulang mo kung susuko ka lang.Iniisip ko na lang na matutunan ko rin mahalin ang napili kong kurso,after all,dito ako pinasa ni God.Sabi nga ng college best friend ko "kahit ano mangyari,kung para sakin--para sa akin talaga"
Kaya ikaw na nag-iisip na kumuha ng kurso na foodtech,sa UP man yan o sa kahit ano,tandaan mo wala yan sa eskwelan nasa estudyante yan kung kakayanin mo.Hindi sa tinatakot kita pero reality hurts nga sabi nila.Well,wala naman talaga madali,pero choose wisely,piliin mo yung siguradong interesado ka,hindi dahil sa malaki ang kita ,gusto ng kaybigan mo ,pinilit ng magulang o anu pa man.Sa pagpili mo ng kurso ,BUHAY mo ang nakasalalay dito.
Hindi ko alam kung may magbabasa nito pero sorry po grammatical error,sa mga nilabag kong batas sa pagsusulat,Isa lang naman po akong average student na puno ng kaartehan kaya eto ang nailalagay ko dito.XD Yun lang.



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento